Lunes, Disyembre 16, 2013

Wika ng Kabataan Ngayon
 
    Ang wika ay nagbabago, sumasabay sa pag-inog ng mundo at pag-unlad ng sangkatauhan, pag-angat ng pamumuhay at pag-angkop sa anumang pagbabagong nagaganap.

   Ang mga kabataan ay karaniwang malikhain, mapagmasid at may lakas ng loob na sumubak sa anumang bagong hamon ng buhay.

   Ang wika para sa mga bagong henerasyon ay kailangang sumabay sa mga pagbabagong nagaganap sa paligid. Giangamit ito bilang pangunahing sangkap sa pakikipagtalastasan, kalianman hindi ito maaaring isantabi sa larangan ng pakikipag-unawaan.

   Ang wika ay kailangang umangkop sa mga uso ngayon, ito ay sasabay sa mga pagababago upang matugunan ang mga katawagan sa mga bagong likhang kagamitan at pakikipagpalitan ng salita ng mga kabataan ngayon na aayon sa pag-iisip, damdamin at antas ng lipunang ginagalawan.  

   Mahalagang maunawaan ng lahat ang wika ng mga kabataan, ito man ay pagsunod sa pagbabago, ngunit ito ay isang paraan upang maipahayag nang buo ang anumang saloobin o kaisipan.

1 komento:

  1. Ang ganda ng blog nyo! Very imformative Sakit.info
    basahin mo ako para sa kalusugan mo.THANKS!!! Sakit.info

    TumugonBurahin